Thursday, March 15, 2007

grade one

naalala ko nung minsang tinitingnan namin yung mga class pictures namin. pareho kaming napangiti dahil sa isang class picture. anim na taon kami noon, christmas party namin. magkatabi kami sa litrato.

...close na pala tayo n'on? sabi nya.

napaisip ako noon at medyo napa-iyak. marami na kaming napagdaan. halos sabay na kami lumaki. naintindihan ko nang minsang nalayo ang loob nya sa akin dahil hindi ako masyadong sumunod sa daloy ng kaisipan ng nakararami. may ilang nangutya. hindi man sya kasama, pero nalungkot ako nang malayo ang loob niya sa akin. pero nanumbalik naman ang lahat nang kami'y tumuntong ng highschool.

natatandaan ko noon, medyo nagalit ako sa mundo dahil hindi ako pwedeng mag-aral sa UST kung saan siya unang pumasok nang kolehiyo. natakot ako na hindi ko na siya makakasama. siya lang kasi ang kaibigan ko no'n. best friend, kung baga.

apat na taon sa kolehiyo, wala kaming masyadong koneksyon. hindi masyadong nakakapag usap. pero masaya ako, dahil sa tuwing nagkakaroon kami nang pagkakataon na mag usap noon, para kaming anim na taong gulang na bata muli.

mahigit bente anyos na kami. medyo nag kaiba man kami sa paniniwala at pananaw sa buhay, nananatili parin kaming anim na taong gulang. salamat sa lahat nang ating pinagsamahan.



Happy Birthday Peng!


2 comments:

sarah said...

sweet naman ni bhel! :)
well it's true peng is one of your closest friend! sarap magkaroon ng friend na kasabay mo nang tumanda noh! :)

TRUE FRIENDSHIP LASTS...

zobel said...

hey sarah,

thanks for visiting my blog :) oo naman, syempre. tsaka natutuwa ako na kahit malalaki na tayo e nagkikita kita parin tayong magkakaklase :)

ikaw naman ang susunod na mag pa pa inom, wahahaha :)