Tuesday, June 19, 2007

ate ludz

Huling nakita sa ibabaw ng kabinet sa sala. Mahimbing na nanaginip. Walang kaalam-alam ang kanyang mga amo sa balak niyang pag-lalakbay. Halos dalawang linggo nang hindi naririnig ang kanyang matinis na ngiyaw kayat ang lahat ay nababahala.

Palatandaan:
  • malambing
  • mahilig magpa-buhat
  • mahilig sa sandwich na may palaman, hindi pwedeng wala

ganito kung matulog

Kung ikaw ay may impormasyon sa kinaroroonan ni BM, ipag-bigay alam lamang po sa kinauukulan o kaya ay mag-iwan ng mensahe sa talang ito.

Please.

0 comments: